7.28.2005

bakit ba puro pag-ibig?!

july 18

nakakatuwa pala ito...ngaun ko lang kse naappreciate...nung time na halos lahat ng kaibigan ko meron ng blog., sabi ko di ko to papatulan..pero ano na ngaun.. eto.. nagsusulat na ko ng walang sawa.
salamat sa mga kaibigan ko na nagtxt sken para sumagot sa una kong post.. haha=)
kanina bago mag-GA nasa katipunan kme ni ton., naguusap kme tungkol sa pag-ibig..(ano pa ba ang dapat pag-usapan diba..?!) malungkot akong pumunta sa skul, dami ko kse iniisip, bkit nga naman kse nde ko na lang isipin ang nota 24/7..masaya daw un!(mula kay ton) naloka ako ciempre..
nwei, sinabi ko lahat ng gumugulo saken,.nde ko kse maintindhan..bakit ko ba kse siya nagustuhan.. meron kseng kakaiba sa kanya..kung iisipin, sa sinet ko na standard..(ciempre di ko lalagay dito..) wala.. nde cia ang matitipuhan ko.. pero ayon..iba cia..napapatahimik niya ko. un lng.
sabi ni charl, nagmamahal ka ng hindi umaasa na balikan niya ung pagmamahal mo, tama! pero ayoko ng dumating sa point na aasa ako... dahil, simula pa lang ayoko na.. dahil ayokong masaktan, natatakot ako. segurista daw ako.. oo na hindi, oo dahil, gusto ko maramdaman muna kung ano ba ko sa kanya..hindi, dahil naniniwala naman ako na kaakibat ng pagmamahal ang sakit..labo.
walang kwenta sken ang text.. kahit ano naman pwde mo i-text diba.. mas gusto ko ung biglaan.. ung harapan niyang sasabihin sau.. ung pagkasabi niya biglang hihinto ung mundo ninyong dalawa, tapos di mo alam kung ano sasabihin mo. aamin ka na din ba.. o magpapakipot pa! ang corny diba.
nasa off the grill uli kme knina, ako si ton, ewa at pet. kumain lang kme.. tapos tinugtog ung "crazy for you" dati sanay ako na pagkinakanta un isa lang ang papasok sa isip ko (si chuva) pero ngaun iba.. cia ang naisip ko, at nainis ako. ang labo diba! pero totoo.. naiinis ako kse bakit cia ung naisip ko.. nde tama.. nde rin mali.. pero ayoko.
hirap kse, dami nagkakagusto sa kanya.. ayoko ng ganon..
pucha! walang ibang laman to kundi pag-ibig! kainis...
btw, nawawala pa ung ate ko.. nde namen alam kung nasan siya,,, pero sabi ko nga, babalik un,. dahil nandito ung pinakamamahal niyang laptop (G4 ibook!) naiinis din ako sa sarili ko dahil, may nararamdaman akong pagkapikon sa nanay ko, alam ko, eto dapat ung punto kung saan iniintindi ko siya, pero nde, naiinis lang talaga ko..
sana bukas.. masaya naman ako...